Hindi isyu sa Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) ang pagbabawas ng physical distance ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon ito kay Dr. Leo Olarte, pangulo ng naturang grupo, sa gitna na rin nang pagtatalo sa usaping nang pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa public transportation.
Sinabi sa DWIZ ni Olarte na pinakamahalaga sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang regular na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield at huwag magsasalita, kakain at hindi gagamit ng cellphone, base na rin sa naging pag-aaral ng isang unibersidad sa Amerika.
‘Yung analysis, ‘yung findings ng Duke University sa North Carolina, America; ang sinasabi doon ng mga siyentipiko, mga doktor, nadiskubre nila na pagka gumamit ka ng face mask at face shield at hindi mo binubuksan ang bibig mo —no talking, no eating, no drinking, no cellphone, inside a public transportation, ang COVID risk —walang transmission, umaabot ng 99%. Kasi ang pagkalat ng virus is galing sa bibig at sa ilong,” ani Olarte. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas