Binawasan na ngayong araw na ito ang pasahe sa mga holiday bus express na bumibiyahe sa EDSA.
Kasunod na rin ito ng reklamo ng commuters na mahal ang pamasahe sa mga nasabing bus kumpara sa iba pang public transportation.
Kaagad namang nagkasundo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at bus operators na ibaba ang pamasahe.
Mula sa dating P80 ay naging P64 na laman ang pamasahe mula Quezon City patungong Glorietta 5 samantalang P60 pesos naman ang pamasahe mula Trinoma patungong Park Square sa Makati.
Kuwarenta pesos (P40) naman ang singil nang rutang SM Megamall-Park Square sa Makati City.
Unang lumarga noong Sabado ang holiday bus express.
By Judith Larino