Target ng Department of Health (DOH) na irekomendang bawasan ang presyo ng ilang gamot sa ilalim ng Maximum Drug Retail Price (MDRP).
Kabilang dito ang 120 mamahaling gamot para sa hypertension, diabetes, sakit sa puso, chronic lung diseases, chronic renal disease, cancer, psoriasis at rheumatoid arthritis.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na dapat mababaan ag presyo ng mga gamot para mas maraming Pilipino ang magkaroon ng mas maayos na kalusugan.
Sa ilalim ng MDRP inaasahang magkakaroon ng average price reduction na limamput anim na porsyento ang mga piling gamot sa merkado.
Ayon kay Dr. John Wong, Chairman ng drug price advisory council ang mga nasabing gamot ay napili para mabawasan ang presyo base na rin sa average prices sa Southeast Asian countries.
Titiyakin aniya ng kanilang ahensya na magiging abot kamay na ang gamot sa mga Pilipino kasabay nito ang pagiging patas naman sa mga kumpanya.