Nagpatupad na rin ng bawas-singil sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) at Auto-LPG.
Sa anunsiyo ng kumpaniyang Petron, Phoenix Petroleum at Solane, nasa P2.55 ang ibinawas sa kada kilo ng LPG o katumbas ng P28.5 sa kada labing isang kilo ng LPG.
Ayon sa Petron at Phoenix Petroleum, bumaba rin ng P1.43 centavos ang kada litro ng Auto-LPG.
Nabatid na ito na, ang ika-limang bawas-singil sa presyo ng kada kilo ng LPG, na mananatali hanggang matapos ang buwan ng Oktubre bunsod ng pag-ikot ng presyo sa spot trading ng krudo sa international market.