Nakikipag-ugnayan na ang Food and Drug Administration (FDA) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa pagpapababa ng presyo ng mga gamot ng senior citizens sa pamamagitan ng exemption sa Value-Added Tax.
Ayon kay FDA Director General Samuel Zacate, nasa ilalim ng 11534 o Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises ang exemption sa VAT nang ilang mga gamot na sa hypertension; cancer; mental illnesses at tuberculosis;
Kabilang din dito ang mga gamot sa kidney diseases; diabetes; high cholesterol; gayundin sa COVID-19 drugs at medical devices.
Giit pa ng FDA official, inatasan ang FDA na tukuyin at isumite ang listahan ng approved medicines para sa VAT exemption sa ibang implementing agencies, tulad ng BIR. – sa panunulat ni Kat Gonzales