Asahang magtutuloy-tuloy na ang stability ng suplay at presyo ng kuryente simula ngayong Hunyo.
Ayon kay Manila Electric Company (MERALCO) Spokesperson Joe Zaldarriaga, nakatawid na tayo mula sa mataas na demand sa kuryente at mga problemang kakabit ng panahon ng tag-init.
Naniniwala si Zaldarriaga na masusundan pa ang pagbaba sa presyo ng kuryente lalo na sa buwan ng Disyembre.
“Malikot ang laro, mataas ang adjustment kapag ganitong taglamig na o rainy season, lalo na pagpasok ng BER months, lagi naming nire-remind ang mga customers namin na to watch out for in terms of consumption, summer months.” Ani Zaldarriaga.
By Ralph Obina | Karambola