Epektibo na ngayong araw ang bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Una nang inilarga ng kumpaniyang Cleanfuel at Caltex kaninang alas dose ng madaling araw ang piso at apatnapung sentimo na bawas-singil sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Ipatutupad naman ang pitumpung sentimo na tapyas-presyo sa kada litro ng diesel; habang dalawampung sentimo naman ang magiging bawas sa kada litro ng kerosene.
Samantala, nagpatupad din ng kaparehong presyo kaninang alas sais ng umaga ang mga kumpaniyang Pilipinas Shell, Sea Oil, Petro Gazz, Jetti Petroleum, Petron, Flying v, at PTT Philippines.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, ang pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng pagbawi ng mataas na gastos sa mga kargamento at market premium maging ang mataas na singil sa presyo ng langis sa internatonal market.