Asahan ang tapyas presyo sa mga pangunahing produktong petrolyo ngayong araw.
Sa magkakahiway na anunsyo, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Inc na babawasan nila ang presyo ng gasolina ng 0.80¢/L at kerosene na 0.90¢/L.
Magtatapyas din ng kaparehong presyo ang Cleanfuel, Petro Gazz, Ptt Philippines Corp., at Total Philippines Corp.
Epektibo ang bawas presyo alas-6 ngayong araw maliban sa Caltex na naggpatupad na kaninang alas-12 ng umaga at Clean Fuel na mamaya pang alas-8 ng umaga. —sa panulat ni Rex Espiritu