Nag-anunsyo na ang ilang mga kumpaniya ng langis hinggil sa kanilang ipatutupad na bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, makakaltasan ng 55 sentimos kada litro ang presyo ng gasolina, P1.15 sentimos kada litro sa diesel at 60 sentimos kada litro sa kerosene.
Epektibo ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, 6:00 ng umaga bukas, Abril 21 maliban sa Caltex na magpapatupad ng bawas presyo bukas ng 12:01 ng hating gabi.
Magugunitang, anim na magkakasunod na linggong nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo simula Marso 1 hanggang Abril 7 bago ang taas presyo noong nakaraang linggo.