Mahigit sa piso ang ipinatupad na tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis epektibo ngayong araw.
Alas-12:01 kaninang hatinggabi nang ilarga ng Caltex ang buena manong P1.65 na tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina; P1.25 sa diesel habang P1.35 sa kerosene.
Samantala nagpatupad na rin ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng Seaoil, Petron, Shell, Jetti, Unioil at Cleanfuel.
Ito na ang ika-apat na sunod na linggong nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga oil company.—sa panulat ni Jenn Patrolla