Muling magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes.
Batay sa pagtaya, posibleng maglaro sa P1.90 centavos hanggang P2.10 centavos ang tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina;
P1.70 centavos hanggang P2.00 naman sa kada litro ng diesel habang P1.30 centavos hanggang P1.60 centavos naman sa kada litro ng kerosene.
Kabilang sa mga dahilan ng panibagong rollback sa produktong petrolyo ang pagluluwag ng China sa Covid-19 restrictions at ang paglalagay ng price cap sa krudo mula Russia.