Hindi pa muna itutuloy ng Manila Water ang nakatakda sanang bawas supply ng tubig sa mga customer nito sa Metro Manila sa susunod na linggo.
Ayon kay Manila Water Spokesperson Dittie Galang, nadagdagan ang reserba ng tubig sa mga dam dahil sa mga pag-ulan ngayong linggo kaya’t sapat pa ang supply ng tubig sa Metro Manila.
Gayunman, sinabi ni Galang na tuloy ang water interruption kapag hindi bumuhos ang ulan ng tatlo hangggang limang araw sa susunod na linggo.
Inihayag pa ni Galang na sa susunod na linggo na rin sila magpapalabas ng panibagong listahan ng mga lugar na maaapektuhan ng bawas supply ng tubig kung saka-sakali.
Kasabay nito, patuloy ang apela ng Manila Water sa customers nito na magtipid sa tubig para hindi kapusin ang supply nito.
By Judith Larino