Babawasan na ang mga sahod ng Cardinal at Pari sa Vatican simula sa Abril 1.
Ito ang inanunsiyo ni Pope Francis bilang bahagi ng pagtitipid dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic ng holy see.
Mababawasan ng 10% ang sahod ng mga Cardinals habang tatlong porsiyento ang ikakaltas sa sahod ng mga pari.
Babawasan naman ng walong porsiyento ang sahod ng mga Department heads at secretaries ng dicasteries.
Ang naturang hakbang ay para maiwasan ang pagtatanggal ng mga empleyado.
Bukod dito, ipinatupad rin ng Santo Papa ang two year freeze sa seniority pay increase sa lahat ng empleyado maliban sa mga may mababang posisyon.— sa panulat ni Rashid Locsin