Mas murang singil sa kuryente ang ikinakasa ng Meralco sa buwang ito –matapos ang tatlong buwang magkakasunod na dagdag-singil.
Ayon sa Meralco, bababa ng P0.41 kada kilowatt hour ang singil sa kuryente o nasa halos P82.00 na kabawasan sa regular na konsumo kada buwan ng isang pamilya.
Sinabi ng Meralco na ang bumabang singil sa kuryente ay resulta ng tinapyasan ding halaga mula sa Power Supply Agreements (PSAs) ng Meralco.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, ang maagang pagkumpleto sa taunang capacity payment para sa Sual Unit 1, Ilijan, Pagbilao Unit 1 at Panay Energy ay nagbigay-daan sa savings na ipinasa naman sa consumers sa pamamagitan ng mababang singil sa kuryente.