Asahan na ngayong buwan ang pagpapatupad ng P0.21 sentimo na bawas singil sa kuryente.
Ayon sa Manila Electric Company (MERALCO) ito ay dahil sa mas mababang generation charge bunsod ng mababang bentahan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WES-M).
Dahil dito, aabot sa P42 ang magiging bawas singil para sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hour, P104 naman para sa mga kumukonsumo ng 500 kilowatt hour.