Asahan ang bawas sa singil sa kuryente sa pagpasok ng taong 2018.
Ayon sa Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ito’y dahil sa malamig na panahon at mababang demand ng kuryente.
Bukod dito, madalang din umano ang power outages kaya hindi lumalagpas sa outage allowances ang power generator na nakakabawas sa capacity fees na naipapasa bilang bawas singil sa mga consumer.
Ngunit kasabay nito pinaghahanda din ang publiko pagsapit ng Pebrero dahil sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente.
Bunsod ito ng ipapataw na mas malaking excise tax sa coal sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.