Abiso sa Meralco customers asahan na ang bawas singil sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Meralco, ipatutupad ang P0.118 kada kilowatt hour na bawas-singil para sa February bill.
Katumbas ito ng 24 pesos na tapyas sa kuryente ng isang household na kumukonsumo ng 200 kilowatt per hour.
Ang mga nakakakonsumo ng average na 300 kilowatt hour kada buwan ay makatitipid ng 36 pesos sa kanilang bayad sa Meralco; 46 pesos sa mga kumukonsumo ng 400 kilowatt hour; at 59 pesos sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour.
Ang pagbaba ng overall electricity rate ay dahil sa pagmura ng kuryente sa spot market at mga power supplier.