Magpapatupad ng P0.21 na bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan.
Ito ay dahil sa mas mababang generation charge bunsod ng mababang bentahan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WES-M.
Dahil dito, aabot sa 42 pesos na bawas-singil sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hour, habang 104 pesos para sa kumokonsumo ng 500 kilowatt hour.