Halos P0.60 kada kilowatt hour ang ibababa ng singil sa kuryente sa buwang ito.
Ayon kay Manila Electric Company (MERALCO) Spokesman Joe Zaldarriaga, ang P0.57 kaltas sa singil sa kuryente ay ika-pitong beses na nilang ipinatupad at umaabot na sa P2.13 ang kabuuang kaltas nila sa singil sa nakalipas na limang buwan.
Sinabi ni Zaldarriaga na ang mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan ay makakaasa ng halos P114 pesos na tapyas sa kanilang bill ngayong Setyembre.
Kasabay nito, ipinabatid ni Zaldarriaga ang P0.42 bawas sa generation charge ngayong buwan bukod pa sa mahigit P0.10 na tapyas sa transmission charge,taxes at iba pang bahagi nang singilin sa kuryente.
By Judith Larino