Good news para sa mga motorista!
Asahan na bukas ang bawas-singil sa presyo ng prduktong petrolyo na pumutol sa limang linggong sunod na pagtaas ng presyo nito sa diesel at gasolina.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis partikular na ang Unioil Petroleum Philippines, maglalaro sa P2.80 centavos hanggang P2.90 centavos ang magiging bawas presyo sa kada litro ng diesel habang aabot naman sa .10 centavos ang bawas-singil sa kada litro ng gasolina.
Sa pahayag ng ilang kumpaniya ng langis, posibleng umabot sa P3.10 centavos hanggang P3.30 centavos ang rollback sa kada litro ng diesel habang maglalaro naman sa .20 centavos hanggang .40 centavos ang posibleng maging rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Ang oil price rollback ay bunsod ng China lockdown at epekto ng iba’t ibang pagtaas ng interes sa buong mundo na nagpapahina sa economic activity.
Sa ngayon, ang year-to-date fuel price adjustments at net increase sa kada litro ng gasolina ay pumalo na P30 habang P45. 90 centavos naman sa kada litro ng diesel.