Ipatutupad na ngayon Martes, Mayo a-dos, ang bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa abiso ng mga kumpaniya ng langis, maglalaro sa piso at limampung sentimo hanggang piso at walumpung sentimo ang magiging tapyas sa kada litro ng gasolina.
Aabot naman sa piso at dalawampung sentimo hanggang piso at limampung sentimo ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang piso at diyes sentimo hanggang piso at apatnapung sentimo naman sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa Department of Energy, ang paggalaw sa presyo ng langis ay bunsod ng pabagu-bagong singil ng mga international oil company sa pandaigdigang merkado.