Posibleng magkakaroon ng bawas-singil sa kuryente sa Hulyo.
Ito’y dahil sa pagtatapos ng tag-init at paghina ng konsumo sa kuryente.
Sinabi ni Meralco Regulatory Affairs Head Ronald Valles, na may posibilidad na bumaba ang generation charge dahil nitong Hunyo ay nagsimula ang tag-ulan at ibinaba ang presyo ng coal sa market.
Dagdag ng opsiyal, na bumaba rin ang presyo ng kuryente sa spot market kumpara nitong mga nakaraang buwan.
Gayundin, inaasahan ang malakihang bawas-presyo sa kuryente gamit ang liquefied natural gas sa panukalang batas ni Albay Representative Joey Salceda.