Magpapatupad ng bawas singil sa tubig sa kanilang mga kustomer ang Maynilad Water Services.
Ito ay matapos ipag-utos ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang rebate sa kanilang mga customer matapos ang sunod-sunod na water interruption sa National Capital Region (NCR).
Kabilang sa magkakaroon ng bawas singil sa tubig ay ang mga residente ng Muntinlupa, Las Piñas, Malabon, Valenzuela at Quezon City na hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ng mahinang suplay ng tubig.
Samantala, ibinunyag din ng MWSS na ang ipinatutupad na tax rate ng maynilad ay hindi aprubado ng kanilang board of trustees dahilan ng bahagyang paggalaw sa mga bill ng tubig.
Ang bawas singil sa tubig ay bilang balik-bayad ng Maynilad kung saan aabot sa 2.1 million pesos ang maisasauli ng Maynilad sa kanilang mga customer.