Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur ngayong umaga ng Lunes, ika-21 ng Setyembre.
Naitala ng PHIVOLCS ang episentro ng lindol sa bayan ng Bayabas dakong alas-6:13 ng umaga ngayong Lunes.
May lalim itong 77-km at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, sinabi sa DWIZ ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na walang inaasahang anumang malaking pinsala matapos ang naturang lindol dahil sa lalim nito.
Hindi kami umaasa ng significant damage dito kasi nga malalim,” ani Solidum sa panayam ng Santos at Lima sa 882.
Samantala, inaasahan naman ang pagkaranas ng mga aftershocks matapos ang lindol.
Ilang minuto lamang matapos nangyari ang pagyanig, naitala na ang magnitude 5.3 na aftershock dakong alas-6:21 ng umaga sa kaparehong bayan sa Surigao del Sur.