Balik na sa paniningil ng pasahe ang mga konduktor ng bus sa pagtatapos ng “libreng sakay” kasabay ng expiration ng Bayanihan 2 Act.
Ilang buwan ding natengga ang mga konduktor dahil sa libreng sakay ng Department of Transportation.
Bagaman mabuting balita ito para sa mga bus conductor, hindi naman ito gaanong kagandahan para sa ilang pasahero dahil balik sila sa paggastos para sa pasahe.
Aminado ang karamihan ng mga mananakay na malaking katipiran para sa kanila ang free ride ng DOTr sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa kabila nito, nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi naman permanente ang suspensyon ng libreng sakay dahil gumagawa na sila ng paraan upang palawigin ito. —sa panulat ni Drew Nacino