Matatanggap na ng mga farm owners na naapektuhan ng bird flu ang paunang bayad para sa kanilang mga kinatay na manok.
Ang layer chicken, itik at manok na panabong ay babayaran ng P80 kada ulo, P70 naman sa kada broiler chicken at P10 para sa bawat pugo.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nakahanda na ang P8 milyong pisong paunang bayad na posibleng maipamahagi nila sa Martes o Miyerkoles.
Sinabi ni Piñol na humingi na rin siya ng P100 milyong pisong pondo sa Pangulong Rodrigo Duterte para sa tuluyang pagbangon ng poultry industry.
Samantala, target ng Department of Agriculture na matapos ang culling o pagpatay at paglilibing sa mga kalahating milyong ibon hanggang araw ng Sabado.
Bagamat halos 100,000 pa lamang ang nakatay ng DA, umaasa si Piñol na mas magiging mabilis na ang proseso sa tulong ng isang batalyong sundalo na ipinadala sa Pampanga.
By Len Aguirre