Positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang alkade ng Bayambang, Pangasinan at asawa nito.
Batay sa inilabas na pahayag ni Mayor Cezar Quiambao, siya at ang kaniyang asawa ay nagpacheck-up noong ika-16 ng Marso hanggang sa napagdesisyunan na nilang magpatest para sa COVID-19.
Habang sumasailalim umano silang mag-asawa sa 14-day quarantine, natanggap nila ang resulta na sila ay positibo nga sa nasabing sakit.
Dahil dito binigyan sila ng kaukulang atensyong medikal at nakakakita umano ng paggaling.
Hindi pa aniya sa ngayon masabi kung sila ay “fully recovered” na ngunit muli aniya silang sasailalim sa 14-day quarantine para matiyak na hindi nila mailalagay sa alanganin ang kalusugan ng iba.