Sumugod ang grupong BAYAN at ANAKBAYAN sa Mendiola para i-protesta ang isang buwan nang umiiral na batas militar na sa Mindanao.
Kanilang ipinanawagan ang pagtanggal sa ipinatutupad na martial law sa Mindanao at ang pagpapatigil ng aerial bombing sa Marawi City.
Bilang bahagi ng kanilang programa sa Mendiola, kanilang susunugin ang isang replica ng helicopter at mga bomba na anila’y simbolo ng masamang epektong idinudulot ng giyera sa Marawi City.
By Krista De Dios | With Report from Aya Yupangco