Posible na ipasa ang isang bagong batas upang muling makapagbigay ng ayuda ang gobyerno sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng pandemya.
Nabatid na mula sa tawag na bayanihan, maaaring tawagin na itong bayan bangon Muli Stimulus Bill ( BBM Bill) na siyang inisyal na pangalan ni presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay House Majority Leader at re-elected Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, na mayroong mga lumapit sa kanya upang itulak ang stimulus package.
Sinabi naman ni House Committee on Ways and Means Chairperson Joey Salceda na mabibigyan si Marcos ng pagkakataon na gumawa ng adjustment sa budget na mamanahin nito sa papaalis na administrasyon upang maituon ito sa mga mas nangangailangan.
Samantala, sa ilalim ng Duterte administration ay isina-batas ang bayanihan 1 at 2 upang makapagbigay ng ayuda sa mga apektado ng health pandemic gamit ang mga pondo na kinuha mula sa iba’t-ibang ahensya.