Hinimok ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang Commission on Elections(COMELEC) na palawigin ang oras ng botohan ngayong araw ng election sa gitna ng mga naitatalang aberya sa vote counting machines (VCMs).
Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes, nakatanggap sila ng mga ulat hinggil sa mga VCM na pumalya.
Giit pa niya na ang mga botante ay hinihingan ng permiso na lumagda sa isang waiver at iiwan ang mga balota sa presinto.
Samantala, nanawagan si Reyes sa mga botante na i-report ang posibleng kaso ng electoral fraud.