Dismayado ang Bayan Muna sa naging desisyon ng Ombudsman na ibasura ang kaso laban sa dating Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng DAP o Disbursement Acceleration Program.
Sinabi sa DWIZ ni Bayan Muna Party List Representative Isagani Zarate na nagtataka sila na tanging si dating Budget Secretary Florencio Butch abad lamang ang papanagutin sa naturang usapin gayung ang dating Pangulo ang itinuturing nilang arkitekto rito.
“On one hand we welcome yung resulta ng imbestigasyon na nagkaroon ng, may na invite dahil accountable sila Disbursement Acceleration Program (DAP) , malaki ang aking pagka-dismaya dahil, una si kalihim Butch Abad lamang ang makakasuhan samantalang an gaming paniniwala ay ang arkitekto ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ay ang dating Pangulong Aquino”
Tiniyak ni Zarate na maghahain sila ng apila sa nasabing desisyon ng Ombudsman lalo nat malinaw sa mga dokumento hinggil sa dap ang marginal notes ng dating Pangulo.
“Ang mga dokumento hindi lang yung Budget Circular 541 na naging basehan ng desisyon ng Office of the Ombudsman kundi ang lahat ng dokumento na may kinalaman dito sa DAP kitang-kita doon ang pirma ng dating Pangulong Aquino at in fact may mga marginal note siya doon sa mga ginagawang proyekto ng DAP, siya ang pumipili ng proyekto na okay at ano ang hindi
By Judith Larino | From Ratsada Balita Interview