Isang resolusyon ang inihain si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate na layuning imbestigahan ang maanomalya umanong pag-apruba ng Toll Regulatory Board sa provisional toll fare increase ng North Luzon Expressway o NLEX at Southern Tagalog Arterial Road o STAR.
Sa House Resolution 1435, hiniling ni Zarate sa committee on transportation na imbestigahan “in aid of legislation” dagdag 25 centavo per kilometer 67 centavo per kilometer toll hike ng NLEX at STAR na epektibo, simula kahapon.
Ayon sa mambabatas, nakagawa ng grave abuse of discretion ang TRB sa pag-apruba sa supplemental toll operations agreement na pinasok nito sa mga owner at operator ng expressways dahil sa kawalan umano ng notice at public hearing alinsunod sa section 3-D ng Presidential Decree 1112.
Ipinunto rin ni Zarate na nakasaad sa STOA ang fixed rate at presyo ng toll para sa 25-year contract sa pagitan ng T.R.B. at mga expressway operator.