Inihirit ng Bayan Muna Partylist sa Korte Suprema na maglabas ng desisyon na mag-uutos sa National Telecommunications Commission na i-refund ang 7 Billion Peso overcharge ng mga Telco sa text messaging fees.
Sa 45 pahinang petition for Review on Certioari, hinimok nina Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate at dating Representative Neri Colmenares Supreme Court na baligtarin ang June 2016 decision ng Court of Appeals.
Magugunitang ipinagpaliban ng 6th Division ng C.A. ang kautusan ng N.T.C. noong November 20, 2012 at may 2014 na ibalik ng Globe, Smart Communications at Digitel na nag-o-operate sa Sun cellular ang sobrang singil sa text na aabot sa 7 Billion Pesos mula 2012 hanggang 2014.
Sa naturang desisyon ng N.T.C., inatasan din nito ang mga Telco na ibaba ang interconnection charge sa 15 sentimos mula sa kasalukuyang 35 sentimos na may katapat namang 200 Peso daily fine kung hindi tatalima.
SMW: RPE