Pinaiimbestigahan sa mababang kapulungan ng mga partylist representative ng Bayan Muna ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kung may kinalaman ang ito sa mga nagsusulputang underground hospital ng mga Chinese Nationals sa bansa.
Sa inihaing House Resolution 971 sa kamara ng mga kinatawan ng bayan-muna, layon ng mga ito na magsagawa ng imbestigasyon ang defeat coronavirus disease 2019 (COVID-19) committee ng kamara ukol dito.
Laman ng naturang resolusyon ang pagkakatuklas sa mga residential units, at warehouse na kadalasang kinoconvert bilang medical facilities ng mga tsinong hinihinalang dinapuan ng nakamamatay na virus.
Bukod pa rito, sa kada tuklas ng mga awtoridad sa iligal na pagamutan, narerekober din dito ang mga hindi rehistradong gamot kontra COVID-19.
Samantala, nanawagan ang mga mambabatas sa kumiteng may hawak sa paglaban sa COVID-19 na imbestigahan kung may kinalaman nga ba ang mga pogo industry dito.