Iginiit ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na dapat suspendihin muna ang operasyon ng open-pit mining.
Ito’y matapos muling pahintulutan ng Department of Environment and Natural Resources ang naturang operasyon.
Paliwanag ng Kongresista na malaki ang negatibong epekto sa kalikasan ng open-pit mining dahil sinisira nito ang mga bundok at kagubatan.
Dismayado si Zarate sa hakbang na ito ng bagong DENR Chief dahil aniya lumalabas na mas pinapaburan nito ang malalaking korporasyon taliwas sa mga hakbang ni dating DENR Secretary Gina Lopez.