Umapela ang Bayan Muna Partylist sa Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang peace talks sa komunistang grupo.
Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate, dapat ituring na mas malaking dahilan ang patuloy na karahasan sa kanayunan para ituloy ang usapang pangkapayapaan.
Binigyang diin ni Zarate na ilang beses nang napatunayan sa mga nakalipas na administrasyon na hindi solusyon ang militarisasyon para matamo ang tunay na kapayapaan.
Nakapanghihinayang aniya ang napakahaba nang inabante ng peace talks sa nakalipas lamang na pitong (7) buwan gayung hindi ito nangyari sa nagdaang mga administrasyon.
Una rito, inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address ang tuluyang pagputol sa peace talks sa komunistang grupo kasunod ng serye ng mga pag-atake na inilunsad ng New People’s Army o NPA.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate