Isinailalim na sa state of calamity ang Bayan ng Allacapan, Cagayan matapos ang pinsalang idinulot ng bagyong Maymay sa agrikultura at imprastraktura.
Ayon sa local government ng Allacapan, mahigit 1,000 pamilya o halos 4,000 katao ang apektado ng pagbaha sa 22 barangay.
44 na pamilya o halos 150 katao naman ang nanunuluyan sa evacuation centers.
Kabilang sa mga apektadong barangay ang Binubongan, Bulo, Burot, Cataratan, Capanickian Norte, Capanickian Sur, Centro East at Centro West.
Tiniyak naman ni Mayor Harry Florida ang tulong sa mga apektadong residente at magsasaka.