Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Allacapan sa lalawigan ng Cagayan.
Ito ayon kay Mayor Harry Florida ay dahil sa matinding epekto ng Bagyong Odette sa kanilang lugar na labis na binaha.
Ipinabatid ni Florida na anim na barangay sa kanilang bayan ang isolated dahil hanggang beywang ang tubig.
Tatlong tulay din aniya sa Allapacan ang hindi na madaanan matapos lumubog sa tubig samantalang nawasak ang irrigation canal sa Brgy Dagupan.
Bukod dito sinabi ni Florida na nalubog din sa baha ang limampung porsyento o halos limang libong ektarya ng palayan na malapit nang anihin.
Dalawang milyong Piso naman ang gagamitin ng lokal na pamahalaan para matulungan ang mag apektadong residente.