Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Brooke’s Point, Palawan bunsod ng pagbaha dulot ng malakas na pag-ulang dala ng shear line at amihan, simula pa noong bisperas ng pasko.
Ayon kay Brooke’s Point Vice Mayor Jean Feliciano, mahigit 400 pamilya o nasa 1,500 katao na ang apektado sa pitong barangay.
Tinaya anya sa 300 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang naglaan na ang local government ng P9.5-M bilang tulong sa mga apektado ng abot-dibdib na baha.
Bukod sa Brooke’s Point, apektado rin ng pagbaha ang mga bayan ng Bataraza, Quezon, Narra, Sofronio Española, Balabac at Taytay.