(To be updated) Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bayan ng Lian, Batangas kaninang alas 10: 21 ng gabi ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOCS.
Ayon sa datos na inilabas ng PHILVOCS naganap ang naturang pagyanig 6 na kilometro timog-kanluran sa bayan ng Lian sa lalawigan ng Batangas.
Sa inisyal na ulat, ang naturang pagyanig ay may lalim na 200 kms. na tectonic ang origin. Inaasahan pa ang mga karagdagang aftershocks kaya pinag iingat ang mga residente ng Lian, Batangas at manatiling naka antabay sa mga susunod na mga pag uulat.