Nasa ilalim na ng state of calamity ang Bayan ng Makato, Aklan dahil sa flashfloods dulot ng malakas na pag-ulang dala ng inter-tropical convergence zone, simula noong isang linggo.
Tinaya na ng Makato Disaster Risks Reduction Management Office sa 3-k residente ang apektado ng kalamidad.
Mahigit P132M naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura.
Nagpapatuloy ang pag-ayuda ng Lokal na Pamahalaan sa mga naapektuhan ng pagbaha. —sa panulat ni Drew Nacino