Tumama ang Magnitude 4 na lindol sa Bayan ng Merida sa Leyte kaninang ala- 6:49 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong limang kilometro, hilagang-kanluran ng Bayan ng Merida.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 22 kilometro mula sa episentro.
Naramdaman naman ang Intensity 2 sa mga Bayan ng Albuera at Calubian sa nabanggit na lugar.
Wala namang inaasahang aftershocks habang wala ring naitalang pinsala at mga nasaktan sa naturang lindol.