Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Mother Kabuntalan sa Maguindanao dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig doon.
Ayon kay Anwar Salik, administrator ng Mother Kabuntalan Municipality, isang resolusyon na pirmado ng mga miyembro ng sangguniang bayan ang ipinalabas para sa deklarasyon ng state of calamity.
Pumalo na sa mahigit tatlong libong (3,000) mga pamilya mula sa labing pitong (17) barangay na sa Mother Kabuntalan ang apektado sa pagtuloy na pagtaas ng tubig baha.
Posible ring maapektuhan ang pagbubukas sa klase sa nasabing bayan dahil nalubog din sa baha ang kanilang mga paaralan.
By Krista De Dios