Nakatanggap ng P20 milyong pondo ang bayan ng Rizal sa Kalinga Province bunsod ng anti-insurgency projects nito sa isang Barangay doon.
Kasabay nito, nagpasalamat naman ang Rizal LGU sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF- ELCAC) dahil sa inilatag nitong Barangay Development Program (BDP) na naging dahilan upang mapagkalooban ng pondo ang Brgy. Balabag East.
Dahil dito, sinasabing malaya na rin sa New People’s Army (NPA) ang nasabing barangay.
Nabatid na ang P15 milyong na bahagi ng pondo ay ilalaan para sa rehabilitasyon ng Barroga-Baggas farm-to-market road.