Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng San Mateo sa Rizal.
Ito ay bunsod na rin ng naranasang matinding pagbaha sa San Mateo kasunod ng malalakas na pag-uulan dala ng hanging habagat.
Idineklara ang state of calamity matapos ang special session ng sangguniang bayan ng San Mateo batay na rin sa rekomendasyon ni Mayor Tina Diaz.
Una rito, nagdeklara na rin ng state of calamity ang bayan ng Meycauayan sa Bulacan kaninang umaga.
Ito ay matapos naman malubog sa baha ang walong barangay sa Meycauayan.
Una nang nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Cavite, lungsod ng Marikina at Olongapo at bayan ng Balanga sa Bataan kahapon.