Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Sanchez Mira sa Cagayan Province dahil sa pananalasa ng Bagyong Neneng.
Ayon kay Mayor Abraham Bagasin, mismong ang Town Council ang nag-apruba sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, dahil sa naitalang epekto ng bagyong neneng at iba pang kalamidad.
Sa huling datos ng pamahalaan, pumalo na sa P 27.5- M ang nasira sa sektor ng imprastruktura at pananim sa bayan ng Sanchez Mira.
Umabot naman sa 8,625 pamilya o katumbas ng 28, 266 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Neneng sa Sanchez Mira, kung saan 13 kabahayan ang nasira.