Isinailalim rin sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang bayan ng Santa Maria sa Davao Occidental.
Epektibo ang ECQ sa naturang bayan mula nitong Agosto 15 na tatagal hanggang Agosto 31.
Ang pagpapatupad ng ECQ sa Santa Maria ay bunsod ng kaso ng delta variant na naitatala na sa Davao Region at pagtaas ng bilang ng active cases ng COVID-19.
Kaugnay nito, ipinatutupad ng LGU ang mahigpit na border checkpoints at roadblocks; pagbawal sa non-essential travels; curfew na mula alas-syete ng gabi hanggang ala-singko ng umaga; stay-at-home order sa mga menor de edad, senior citizens, at buntis; total liquor ban; at limitadong galaw ng mga tao at operasyon ng mga establisimyento.
Batay sa datos ng Davao Occidental Provincial Health Office, 525 na ang COVID-19 cases sa bayan ng Santa Maria, na may 237 aktibong mga kaso.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico