Kinumpirma ni Town Agriculturist Jose Quinonero ang pagkakaroon ng hawaan ng african swine fever (ASF) sa Bayan ng Tulunan sa North Cotabato.
Ayon kay Quinonero, ang kaso ng ASF sa bayan ay natunton sa barangay Bagumbayan kung saan, nasa apat na put siyam na baboy ang na-culled (keld) at labing apat na magsasaka ang apektado sa nasabing barangay.
Dadag pa ng town agriculturist, na ang tulunan ang ikaapat na bayan sa lalawigan na tinamaan ng asf infestation ngayong taon ng nasabing lalawigan.
Samantala, nakipag-ugnayan ang pamahalaang bayan sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para matukoy ang mga rehistrado at hindi rehistradong hog raisers sa Bagumbayan village para sa karagdagang tulong sa gitna ng infestation. —sa panulat ni Kim Gomez