Humihingi ng tulong ang mga residente ng bayan ng Catigbian, Bohol bilang isa sa mga lalawigang lubos na napinsala ng bagyong Odette.
Sinabi ni Catigbian Mayor Elizabeth Mandin Pace na sinira ng bagyo ang nasa 85% ng kabahayan sa kanilang bayan.
Walang-wala na rin aniyang makain ang mga residente at nahaharap din sa kakulangan sa tubig.
Ayon pa sa alkalde, posibleng matagalan pa bago makabangon ang catigbian kaya’t umaapela ito ng tulong sa iba’t-ibang organisasyon maging sa mga malalaking kompanya at pribadong indibidwal.
Sa kasalukuyan, apat na ang naitatalang nasawi sa bayan ng Catigbian matapos manalasa ng bagyo.—sa panulat ni Joana Luna