Halos mabura sa mapa ang isang bayan sa Northern California dahil sa napakalawak na pinsalang inabot ng wildfire.
Ayon sa mga awtoridad, napakabilis ng pagkalat ng apoy dahil sa tagtuyot na panahon sa Northern California.
Nasa mahigit 100 kabahayan na umano ang nasira ng sunog gayundin ang napakaraming negosyo na nawala dahil sa mga establisyementong tinupok din ng apoy.
Aabot umano sa halos 100 wildfires ang sumiklab sa Kanlurang bahagi. Binigyang babala na rin ang siyam na estado mula sa California hanggang Colorado bunsod ng maalinsangang panahon na posibleng maging dahilan para madamay sa wildfire.